A man is infinitely more complicated than his thoughts...
Feel free to look around... Try to comment and tag before you leave... Thanks...

About me

surfing the net, chat, i play the guitar, i compose songs, i like reading books, anime, drawing, writing, watching TV, i listen to music like bamboo, parokya ni edgar, urbandub, linkin park, MYMP, the unknown... a confused person...

The Unknown Past...

#July 2006 #August 2006

_________________

_Links___

Blogger
BlogSkins
Heneroso
Icarus
Fiel
MikMik
Ceasar
Teepsee
Sayote Queen
lilprincess
Chester
Ada
Karlee
Unknown sa Friendster

_Credits___

gal-rox-it
Icarus

_ShoutBox___

Need to tag? Click Here
Wednesday, August 02, 2006

And when life's sweet fable ends, soul and body part like friends; No quarrels, murmurs, no delay; A kiss, a sigh, and so away...


Hindi nakapagsalita si Matt. Biglang sumiklab ang galit sa kanyang kalooban. Naputol ang kanilang paguusap, kaya't ibinulsa niya ang kanyang phone. Nanginginig ang kanyang buong katawan sa galit. Hindi niya alam kung bakit ganoon ang inaasal niya. Hindi niya pinansin ang mga taong nakatingin sa kanya.

"Matt!"

Lumingon siya at tinignan kung sino iyon. Si Jillian... Masisilayan sa mga mata niya na nais niyang magpaliwanag. Hindi pinansin ni Matt ang mga sinabi ni Jillian. Sarado na ang utak nito at hindi na makakalma ang gerang sumiklab sa kanyang isipan. Magulo at tuliro ang isip niya, hindi niya ininda ang matang nagsusumamo ng dilag na matagal na niyang sinisinta. Maya-maya ay napansin niyang tumahimik ang paligid, tanging ang mabilis na pagtibok ng puso ang kanyang naririnig. Pansamantalang nawala ang kanyang pandinig.

"Nakakabingi ang katahimikang ito..."

Itinaas niya ang kanyang ulo at hinanap si Jillian. Wala na ito sa tabi niya, nakita niyang naglalakad ito palayo. Tumayo siya at hinabol ito. Nakarinig siya ng nakakabinging busina ng rumaragasang sasakyan. Tinignan niya at napansin niyang nagkakarerahan ang mga ito. Ang isang kotse ay parang iba na ang tinatahak na daan. Nagising siyang bigla, naalala niya si Jillian. Derederetso ito sa mahal niya! Tumakbo siya daladala ang pangamba at pagsisisi. Napansin niyang lumabo ang kanyang paningin dahil sa mga luhang unti-unting umaagos mula sa kanyang mata. Wala siyang pakialam sa mga taong nakatingin sa kanya. Hinayaan niyang dumaloy ang mga luha at natikman niya ang pait na hatid nito... Ang pait... Unti-unting nilasaon nito angkanyang katawan, sinisira ang kanyang ulo... Itinaas niya ang kanyang kamay inabot ang kamay ng isang nakaputing dilag.. Hinagkan niya ito... Sa bawat segundo lumipas ay talamak na sa kanyang sistema ang lason... Pinapatay siya nito... Napagtanto niyang iyon na ang katapusan... Natagpuan niya ang katahimikan at kapayapaan sa kamay ng dilag at napansin niyang nananangis ito. Sinubukan niyang abutin ang kahalihalinang mukha nito at bago pa umabot ay nagdilim ang buong paligid...

"Mahal kita..."

iamtheunknown sang @ |12:01 AM|
Comments: 3

**************

Tuesday, August 01, 2006

Love in the world of rubbershoes and confusion...


Madalas ay hindi sila nagkikita sa eskwelahan dahil panghapon si Matt at pang-umaga naman si Jillian. Akala niya ay makakalimutan na niya ito kung magpapatuloy na wala silang komunikasyon. Alam niyang hindi niya ito matitiis, ngunit sinubukan na niya rin ito. Tama nga siya sa huli... Natagpuan na lang niya ang sariling niyaya si Jillian na lumabas. Ang usapan nila ay alas-siyete ng gabi, dahil papanuorin nila ang isang sikat na banda sa gig nito. Eksaktong alas-siyeteng dumating si Matt. Tinext niya si Jillian at tinanong kung nasaan na siya. Hindi ito sumagot.

"Marahil ay nasa biyahe na..." ang sabi ni Matt sa sarili.

Sinubukan niya itong tawagan, ngunit hindi ito sinasagot. Nangamba siya, ngunit nagpatuloy siya sa paghihintay. Tatlumpung minuto na ang lumipas ay wala pa rin... Dahil hindi halatang menor de edad, ay inalok siya ng inumin na hindi naman gaanong malakas ang kontent ng alkohol. Isang oras na ang nakalipas, marami na siyang nainom pero wala pa rin si Jillian. Hindi na niya napansin ang kasiyahan ng mga tao at ang lakas ng tugtog ng banda. Tinignan niya ang kanyang orasan at napansing tatlong oras na pala siyang naghihintay. Naisip niang magbayad na at maghintay sa labas.

"Malamim na ang gabi... Ano kaya ang nangyari kay Jillian?"

Medyo nahilo siya dahil sa kanyang ininom at dinagdagan pa ng usok na likha ng mga naninigarilyo. Ilang beses na niyang tinawagan si Jillian, ngunit wala pa ring sumasagot. Naisip niyang marahil ay hindi na ito pupumnta kaya't napagpasyahan niyang maghintay na ng masasakyan pauwi. Pagkaraan ng kinse minutos, biglang tumunog ang kanyang phone.

"Nasaan ka na?"
"Naghihintay ng sasakyan pauwi..."
"Nandito na ako... Sorry... let me explain..."

iamtheunknown sang @ |2:41 AM|
Comments: 3

**************

Sunday, July 30, 2006

He flies through the air with a great difficulty...


"Tumakbo siya daladala ang pangamba at pagsisisi. Napansin niyang lumabo ang kanyang paningin dahil sa mga luhang unti-unting umaagos mula sa kanyang mata. Wala siyang pakialam sa mga taong nakatingin sa kanya. Hinayaan niyang dumaloy ang mga luha at natikman niya ang pait na hatid nito... Ang pait... Unti-unting nilasaon nito angkanyang katawan, sinisira ang kanyang ulo... Itinaas niya ang kanyang kamay inabot ang kamay ng isang nakaputing dilag.. Hinagkan niya ito... Sa bawat segundo lumipas ay talamak na sa kanyang sistema ang lason... Pinapatay siya nito... Napagtanto niyang iyon na ang katapusan..."


Si Matt... 17-anyos; matangkad, tahimik, matalino... Nasa unang taon sa kolehiyo. Kinuha niya ang kursong hindi naman niya gusto, napilitan lang siya dahil iyon ang gusto ng kanyang mga magulang. Marahil ay ipinaglaban niya ang gusto niya kung hindi niya lang sinunod ang puso niya. Alam niya mageenhinyero din ang taong mahalaga sa kanya, kung kaya't iyon na lang din ng pinili niya. Hayskul pa lang si Matt ay si Jillian na ang nasa isip niya. Umikot ang mundo niya dito... Ayos sana kung magkasintahan sila, pero hindi. "kuya" ang tawag sa kanya ni Jillian. Kapatid... Maaaring hanggang dun na lang... Masaya na siya doon... Alam niyang masisira ang kanilang pinagsamahan kung sasabihin niya ang nararamdaman. Pero habang tumatagal ay lalong tumitindi ang pagtingin niya sa kanyang "nakababatang kapatid"...


Part 1...

iamtheunknown sang @ |11:35 PM|
Comments: 2

**************

Saturday, July 29, 2006

I write sins not tragedies...

Pagkatapos kong magsoundtrip, nakita kong nagdodota ang kapatid ko, kaya minabuti kong turuan siya. Napansin ako na lang pala ang naglalaro, kaya't nagdownload lang ako ng kanta. Napansin kong online siya... Biglang bumilis ang tibok ng puso ko... Binati ko siya... nagtataka ako kung bakit hindi siya nagreply... Tapos ilang beses ko na siyang kinulit, pero wala akong natatanggap kahit "hi" man lang... Maya-maya naglog-out na siya... Badtrip talaga! Siguro ay nagalit siya sa ginawa ko kahapon... Sabihin na lang natin na pareho kaming may kasalanan dahil hindi ko siya pinagbigyang magexplain... Naasar lang talaga ako. Palagi na lang kasing ganun ang nangyayari. Sawa na ako... Sawang-sawa na akong maghintay... Sa tuwing naiinlove ako, ganun ang nangyayari sa akin... May magagawa ba ako?! wala! Yun na talaga siguro ang kapalaran ko... Oo, masyadong exaggerated pero un ang nararamdaman ko.


Nagpatugtog na lang ako ng "panic! at the disco" para maalis ung gulo sa utak ko. Pumasok sa kwarto at nakita ko ang binili kong regalo para sa kanya na hindi ko pa binibiga sa kadahilanang nahihiya ako.

"Amph! pwede ba! umalis ka na sa isip ko!"
"sana sa iba na lang ako nagkagusto..."
"Pero kahit anong gawin ko ay siya talaga..."

Oo... Tanga ako. Tawagin niyo na ako ng kahit anong masasakit na salita... Hindi na siguro ako tatablan. Ilang beses na akong nagmahal at nasaktan, lahat hindi maganda ang kinalabasan. Siguro yung isa medyo ok, kung hindi niya lang ako pinagpalit. Pero matagal na un... Iba ung ngayon... Iba siya sa lahat... Kaya siguro ako nagkakaganito...

iamtheunknown sang @ |12:08 AM|
Comments: 2

**************

Sunday, July 23, 2006

Just another love song…


“Meet me around 12 noon on our favourite place…” I told $%*.
“Alright, be sure that you’ll be on time.”“Yes, I will.”

I was going to see $%*! I was excited, so I arrived there 30minutes earlier. I decided to stay in a shop near our meeting place.

“I’m already here. Where are you?”
“Inside the coffee shop, why don’t you drink a cuppa first?”

The door of the shop opened. The bright light blinded me; I couldn’t see who was coming. Light breeze swept $%* hair. $%* was charming as ever. It was a perfect scene, like in movies. We stayed there for sometime, then I took $%* into an amusement park. $%* enjoys juvenile stuffs... I tried to play the where you could win a price if you hit the target with one shot. Fortunately, I won. The prize was of course a stuff toy. I gave it to $%*. $%* was really enjoying. We were getting a bit hungry, so we ate in a nearby restaurant. We ate the same food. It was like a date, but in a different situation. $%* mostly talked, and I listened and stared through $%* eyes.

“Oh, how I wish you were mine, you’re so divine…”

After we finished eating, we played again for about an hour. Then the time for $%* to go came. I bid $%* goodbye. I was hoping to get a hug, and $%* didn’t disappoint me. $%* hugged me twice. Ha! I think I’m seeing hearts everywhere! A love song would’ve completed the scene. $%* was making me feel high!

“I’m already home.” $%* told me.

We were sending messages for about an hour. Then I told $%* to get a sleep, to have enough energy.

“I’ll be online tonight.” I told $%*.
“Ok. I’ll call you when I’m going online.”

I opened my pc around 8pm, I was surfing the net when my pc got infected by a virus. “Damn!” I said to myself. The connection became very slow. It was bullshit.

“I’ll be online around 12 midnight.” $%* said over the phone.
“Oh, well. I can’t. My pc’s got infected by a virus. I’ll have to fix it first. Sorry…”
“Oh… alright then… goodnight…”

Why now?? Why does it have to happen now?? I hate it.

iamtheunknown sang @ |11:30 PM|
Comments: 2

**************

Friday, July 21, 2006

Makating talampakan

Gusto kong ipikit ang aking mga mata... Bumibigat ang aing pilikmata. Niyakap ko ang kadiliman at hinanap ko ang liwanag na magdadala sa akin patungo sa kinaroroonan mo. Umaasa akong gigisingin mo ako sa bangungot na ito at yayakapin mo ako upang mapahupa ang takot na nararamdaman ko. Nanginginig ang buong kalamnan ko sa tuwing naaalala ko ang nakakarimarim na katotohanan na ikaw ay hindi akin. Hindi sana ako nababalot ngayon sa kalungkutan at pighating dala ng aking pagsinta sa iisang taong minahal ko ng lubusan. Ang iyong ngiti ay nagdadala ng kakaibang kuryente sa aking sarili, at lalo pa nitong pinapatindi ang silakbo ng aking puso. Nahihirapan na akong magpanggap... Sa tuwing ako'y ikaw ay kasama, ang tanging nakikita ay ang taong pinakaaasam sa mundo. Ngunit kahit anong pilit ay alam kong ang espesyal na taong iyon ay di kailanman mapapa-saakin...

"I'm falling apart... Is this the life i've got to live?? If you only knew, how misery loved me... Then maybe you'd understand too..."

iamtheunknown sang @ |3:10 AM|
Comments: 0

**************

Sunday, July 16, 2006

Ang T-shirt na Pokemon, ang Gitarista, at ang Mananayaw…


Wala na pala akong masuot na t-shirt kanina, kakatapos ko lang maligo… Mahirap magpatuyo ng labahan lalo na ngayong tag-ulan… Napansin kong may natira pa palang isa, yung pokemon na shirt… Matagal na panahon ko ng hindi gingamit yun… Wala akong choice kaya sinuot ko na… Habang nagbibihis ako, may nabuong kwento sa isip ko…

Unang araw ni James sa kanyang bagong paaralan, at nasa unang-baitang pa lang siya. Isa siyang mestiso at gwapong bata, ngunit payat na parang hindi kumakain. Medyo kinkabahan siya dahil baka hindi siya magustuhan ng kanyang mga kaklase. Umupo siya sa malapit sa bintana at naghintay sa teacher nila. May umupo sa tabi niya isang batang lalaki at puting-puti ang mukha nito at leeg dahil sa pulbos. Bilius ang ngalan niya. May dumating pang isang bata babae, si Jane. Kulot ang buhok ngunit nakaayos ito n parang mag-checheering. Makulit si Jane kaya’t kinausap niya si James at si Bilius. Inasar niya si James ng “sobrang payat”, at si Bilius naman ng “espasol”… Naging magkakaibigan sila… Nagtapos na ang taon at bakasyon at pasukan na naman muli. Magkaklaseng muli si Jane at James. Napansin nila na wala na si Bilius. Nagpatuloy ang kanilang mga buhay… Malaki na sila Jane at James. Nagkaroon ng girlfriend si James, pero sila pa rin ni Jane ang palaging magkasama. Nagselos ang girlfriend ni James kaya’t pinapili niya ito kung siya ba o si Jane. Dahil mas masaya siya kay Jane, siya ang pinili ni James. Pagkatapos nito ay hindi na nagging magkaklase si James at si Jane. Nasira na ang kanilang komunikasyon. Ilang taon din ang lumipas at sila ay naging magkaklase ulit ng sila ay nasa hayskul. Naging magktabi sila. Bumalik ang dating samahan. Unti-unting bumalik ang matagal ng nararamdaman ni Jane kay James. Ito ang dahilan kung bkit hindi niya ito pinapansin dati. Nagalala siya, at minabuti niyang layuan ulit si James. Hindi mapakali si James dahil dito. Isang araw tumawag si James kay Jane at nag-sori sa lahat ng ginawa nito. Hindi masabi ni Jane na siya ang may problema at hindi si James. Hindi na sila halos natolog sapagkat magkatxt sila. Sa paglipas ng mga araw, napansin ni James na unti-unti na palang nahuhulog ang loob niya kay Jane. At humantong un sa panliligaw. Ayaw pa ni Jane na pumasok sa isang relasyon kahit na gusto niya si James, natatakot kasi siya na masaktan. Kilalang-kilala na niya kasi ang ugali ng binata. Mabilis itong ma-“fall-out” pagdating sa love at madali din ma-“fall-in”… Kaya’t sinubukan niya ang pag-ibig ni James sa kanya. Matagal niya itong pinaghintay. Sabi kasi ni James kaya niyang maghintay. Pagdating ng summer, di na sila nagkikita pero magkatxt sila palagi. Hanggang sa dumating ung oras na napagod na si James maghintay. Muling nasira ang kanilang komunikasyon, lumipat na ng eskwelahan si James upang makalimot. Mabilis lang na nakarecover si Jane. Nakatagpo ulit siya ng bagong mamahalin. At si James ay ganun din. Paminsan-minsan ay bumibisita si James sa dating eskwela. Matagal din bago naging magkaibigan muli ang dalawa. Pero nabalik naman ang dating samahan ng maghilom na ang kanilang mga sugat. Simula noon ay palagi ng basted si James sa kanyang mga nililigawan. Si Jane naman ay na-stuck sa iisang taong alam niyang kahit kalian ay wala siyang pag-asa.

Sa aking palagay, kung aayusin lang nila ang nasira nilang samahan ay matatagpuan nila ang tunay na kaligayahan sa isa’t-isa. Kayo? Sa palagay niyo ano ang magandang ending para sa kanila?? Comment na lang…

iamtheunknown sang @ |2:22 AM|
Comments: 2

**************